Print Logo
Ikaw ay gumagamit ng lumang browser na hindi namin lubos na masuportahan. Ang iyong karanasan sa aming site ay malamang na mababa sa mainam gawa ng aming pokus sa pagganap, sekuridad at pagkamaaasahan. Ikonsidera ang pag-upgrade ng iyong browser kung ikaw ay mayroong mga problema sa paggamit ng aming site. Matuto nang Higit pa

Tungkol Sa amin

Silver Gold Bull Corporate Office

Mayroon kaming libo-libong mga kuntentong tagapamili na nagpasyang ipasa-kamay nila ang kinabukasan ng kanilang pananalapi sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga ginto at pilak. Ang aming pangako sa iyo ay makapagbigay ng pambihira at hindi pangkaraniwan na serbisyo sa kabuuan ng iyong karanasan sa pagbili ng bullion. Ang mga libo-libong taong katulad mo ay nag-iwan ng kanilang mga testimonya tungkol sa aming serbisyo, mataas na kalidad na mga produkto at tunay na pangako sa pagbibigay ng madali at ligtas sa kapahamakan na pamamaraan sa pagbili ng ginto at pilak. Tignan ang mga pagsusuri ng ikatlong partido dito

Itayo ang iyong kayamanan sa mga onsa.

Mag-enjoy sa Up-To-Minute na Merkadong Presyo

Nauunawaan namin kung paano mo sinusundan ang merkado at oras ng iyong mga pagbili upang makakuha ng mga onsa na mas mababa. Kung ikaw ay bibili sa amin, ikaw ay bumibili sa pangkasalukuyan at nasa oras na singil sa merkado. Ang aming mga presyo ay may updeyt kada minuto sa panahon na bukas ang merkado kaya malalaman mo na ikaw ay nakakakuha ng pinakamagandang mga paninda. Nanggagaling ang mga datos ng aming merkado mula sa Xignite, isa sa pinakamalaking tagapagbigay ng mga datos sa mundo. Malalaman mo ng eksakto kung ang iyong target ay iyong natamaan at hindi mo napalampas ang iyong oportunidad sa merkado. I-set ang Spot na Alerto.

Kunin ng Direkta ang mga Produkto ng Mint

Kapag ikaw ay bumili sa amin, ikaw ay makakakuha ng produkto na natatanggap namin diretso mula sa mga iba't-ibang mga taga-mint, mga nagkikinis, at mga makasaysayang mga tagatustos, kasama ang Royal Canadian Mint. Ikaw ay magtiwala na mula sa aming kamay papunta sa iyo, ang iyong order ay dumaan sa maingat na pagtutuos at mahigpit na pag-iingat ng mga tagahatid na naniniguro ng pagiging tunay ng mga ito. Ang iyong kargamento ay sinusubaybayan hanggang sa iyong pintuan at mangangailangan ng iyong pirma sa oras ng pagdating nito.

Kumausap sa mga Bihasang Mangangalakal

Ikaw ba ay may mga katanungan bago ka pumunta sa merkado? Ang aming mga palakaibigan na koponan sa pagbebenta at mga beteranong mga mangangalakal ay nandito upang tumulong at gabayan ka sa buong proseso. Ikaw ay mag-eenjoy sa may garantiyang mga panustos at benepisyo mula sa aming mga pandaigdig na de-kalidad na mga koneksyon na nagtratrabaho sa amin - walang order na hindi namin mapupunan. Pinapanatili naming puno ang aming mga salansanan upang ang iyong order ay maihatid ng mabilisan.

Bumili o Magbenta, Panatilihin o Mag-imbak, Sa Buong Mundo

Ang mga merkado ay namamahala na may dalawang direksyon, kaya kami rin. Humingi ng aming quote sa alin mang bullion na gusto mong gawing pera - ganon lang kadali. Kahit ito pa ay may panganib pang -geopolitikal o kawalan ng lugar, ang may ganap na naka-segurong mga imbakan ng mga ginto at pilak ay palaging magandang ideya. Alamin ang tungkol sa aming mga programa sa imbakan. Aming pinapadali ang pag-iimbak sa mga pinakamagaling na pagsusuri sa mundo ng mga nakalaan, at magkakahiwalay na mga depositoryo.

Ang iyong datos ay mananatiling pribado sa amin

Aming binibigyan ng respeto ang iyong mga datos. Mula sa koponan ng aming mga taga-benta hanggang sa mga administrador ng aming mga sistema, kami ay sumusunod sa mahigpit na protokol upang mapanatili ang kasiguruhan ng iyong mga impormasyon. Ang iyong mga impormasyon ay hindi namin ibebenta. Ang aming teknolohiya at mga proseso ay dinisenyo upang panatilihin na ang iyong mga datos ay lihim sa kamay ng aming mga tauhan. Magbasa pa sa aming polisiya ng praybasi.

Maglagay ng Order sa Amin

Maaari kang makapag-kumpleto ng order sa amin online o maaari kang tumawag sa amin para mai-sarado ang iyong presyo. Kung ikaw ay baguhan sa pamumuhunan ng mga mahahalagang metal or kaya ay gusto pang malaman ang higit pa tungkol sa aming kompanya, basahin ang aming Gabay ng Mamumuhunan o Investors Guide.